Uncategorized

If I have a pepper spray…

Tatagalugin ko to para Pilipino lang makakabasa. Sensitive kasi tong topic eh. I will talk about… ang ating mga mata. Yerla, sige. Ipikit pikit mo pa.

Ask me why? Kasi, katulad ng last post ko, lagi akong mag isa. And so, marami akong napapansin na mga mata. Matang tutuk tumingin, matang inaantok at matang may kamay. O ha. Iba yan.

Pag naglalakad ako mag isa or, nasa bus na walang magawa, nag hahanap ako ng mapapansin na tao or circumstances. Madalas na napapansin ko ang mga LALAKI. Oops, I’m not cheating on my boyfriend! Pero ang totoo niyan, MATA ng mga LALAKI and napapansin ko.

Pag may babaeng nakikita, nagsisilakihan ang maliliit at pagod na mga mata. Na kulang nalang eh iluwa para lang mas Makita ng maayos. Makikita mo kung pano unti-unting parang hinuhubaran ang tinitignan. Grabe. Grabe lang tlga dahil sobrang dalas ko makakita ng mga ganitong mata. Yung iba pa nga, dahil gumagalaw ang jeep o bus, mababali na ang leeg sa pag tingin sa isang babae.

Sabi sa bible, if the eyes is good, the whole body will be good. Ano bang nakikita ng ating mga mata at ano nga ba ang ating tinitignan at tinititigan at pinag nanasahan? Sobrang halata lang sa tao pag may iba siyang iniisip habang nakatingin. Halimbawa nalang yung mga pag may dumaan na babae. Hindi lang napapasecond look but third at fourth. Minsan nga, malagkit na look pa. Alam na alam mo kung saan nakatingin, bakit nakatingin. Without saying a word, without even acting on it. Pero, minsan hindi napipigilan ng isang lalaking nakatingin. Napapa, “hi” o “goodmorning siya.” Trust me, I KNOW!

Nakakalungkot lang. Kasi minsan ako yung biktima. Naka corporate attire ka. Todo sa uniform at sa coat with the matching heels na hirap na hirap ka ilakad tapos titignan ka ng ganun at kakausapin ka. Nakakahiya naman sa corporate attire ko kuya!?

And who knows? May asawa na ba ang mga lalaking ganito tumingin? O may girlfriend? Masaya ba sila sa love life nila? May anak na ba sila? Kasi with this little act nakikita ang “adultery” sabi nga. And isa pa, nakikita ang pangit na puso. Halatang halata. Sana mag shades nalang para di halata! Haha.

Kaya kung may pepper spray ako, I will spray it to men like them! Bitter lang ako! Hahaha!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s