Personal

Utang na loob

Nung college ako, lagi ako inuutangan ng kapatid ko. Isang daan. Tatlong daan. Isang libo. May pamilya na siya pero binibigyan ko parin dahil nagigipit naman lahat ng tao. At sympre, kapatid ko siya. Madami akong pera noon. May sustentong yen kay mama, may peso kay papa. Kaya madali magpautang. Nagbabayad naman si kuya kaya solb na ako.

Pero iba ang utang na loob. Hindi pera ang nautang mo pero isang gawa or, minsan favor o perang hindi pinabayaran. ‘Yun bang gagawan ka niya ng mabuti pero alam niyo sa isa’t isa na utang yun. Utang sa loob niyo. Utang na loob.

Ang hirap sa ganitong utang, mabayaran mo man ng mabuti ding gawa, hindi parin kayo quits. May utang ka parin. ‘Di katulad ng pera. Hinding hindi mawawala at hinding hindi malilimutan. Kaya sa mga baryong nag aawayan, ang pinakamalakas, “WALA KANG UTANG NA LOOB! ANG KAPAL NG MUKA MO!”

‘Yan ang utang na kailan man hindi mababayaran. Namamana. Napapasa. Isa sa mga bagay na hindi ko maintindihan na ugali ng mga Pilipino.

Akala ko kasi pag tumulong dapat hindi na mag hintay na kapalit. Ibigay nalang. Hindi utang.

Bow.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s