Uncategorized

Sana walang forever

Kung traffic sa EDSA, Undisciplined drivers, madaming bus at sasakyan at naglipanang nagmamadali, naiinis at naglalagkit na mga commuters ang nag sasabing may forever… Sana wala nalang forever. 

Tuwing luluwas ako ng Maynila, papunta palang nakakapagod na. Sasakay ka ng provincial bus; minsan naka tayo ka pa for 2 hours dahil sa dami ng tao ng papunta doon. Pilit mo ittry sabihin sa sarili mo na okay lang, sa magallanes ka lang naman. Nag titiis na napaka sikip na sa bus, nakakangalay pa at nakakaantok. Dahil gumising ka ng mas maaga para maka sakay ng maayos pero hindi parin. Nakatayo ka parin. Sa gitna ng madaming tao. Sa gitna ng EDSA na hindi gumagalaw. Sana hindi ito forever. 

Yung mga undisciplined na tao sa MRT/LRT. Yung tipong di ka makalabas kasi lahat pumupilit pumasok. Maririnig mo yung tunog ng pinto na mag sasara pero hindi ka parin makalabas. Magmamadali ka. Sasalubungin mo silang mga malalaki, matitipuno, pawisang mga lalaki (mostly). Wala silang pake kung ikaw ay maliit na babae. Sasagasaan ka nila. Bawal lumbas. Palpak na nga ang train system natin, bagsak pa sa discipline. Chaos – wag naman sana tong forever. 

Hindi din sana forever ang ugali natin na parang lagi tayong malalamangan. Yung tipong nagmamadali. Hindi makapila. Hindi man lang mag abot ng bayad. Yung pagiging selfish, yung laging paluwas at yung lagi nalang parang maiiwan at hindi mabibigyan. Yung kaugaliang ito – sana walang forever. 

Sana mag isip din tayo sa kalagayan ng ibang tao. Yung tipong simpleng pag pila sana magawa. Yung napaka dali na mag bigay ng way sa daan. Yung mag aabot ka ng bayad o iisod ng konte. Hindi mahirap maging mabait. Konteng respeto lang sana. 

Yung public transportation natin – sana hindi ganito forever. Napakadaming sasakyan, napaka lala ng usok. Napaka stressful ng byahe. Sana hindi ganito palagi. Yung mga taong nag sasabi ng change is coming sana panindigan nila at mag bago sa sarili nila. Hindi lang si #Du30 ang kikilos. Lahat tayo. 

Hangga’t laging feeling natin tayo ay malalamangan at mauunahan, hangga’t di natin naisasaayos ang ating mismong sarili… Wag na tayong umasa na may pagbabago. Nag sisimula yun sa atin. Kasi naman… Ang masamang nakaugalian pwedeng forever yan. At yung totoo, nakakatakot isipin. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s